Para sa buwan na ito


Halos magiisang buwan na ang blogsite ko kahit 3 pa lang ang followers ko ok lang sa akin at least nalalabas ko lahat ng nalalaman at nararamdaman ko kung ano ang nangyayari sa Pilipinas na may kinalaman sa Tokusatsu. Ngayon lang ako nakapagtagalog sa blog, pero kahit papaano di pa rin ako titigil sa pagsisiwalat kung ano ang salot at sakit ng lipunan sa pinoy tokusatsu community, di dahil galit ako sa mundo o nagkikim ako ng sama ng loob sa ngayon kundi harapin ang bawat problema ng harap-harapan at di kailangan i-drama o magpakamartyr tulad ng napapanood ng iba.

Sa buwan na ito maglalabas na rin ako ng mga websites na salot,mga kung anong-anong personalidad ang the best at worst sa toku community pati soundtrack review ng tokusatsu kasama yung link.

Sana sa mga susunod na buwan dumami rin ang followers ko. Ganun lang talaga pag simula dahil nainspired rin ako sa mga tokubloggers sa buong mundo kaya gumawa na rin ako.Kaya IKUSE!!!!!

Comments