Bakit kaya sa Thailand may commercial,series at movie sila na related sa tokusatsu, halos sa youtube ko napanood lahat at sa pagsesearch ko sa thai-toku site na j-hero palabas na ang decade vs. daishocker sa kanila,pagdating dito wala.
Unfair kasi ang nangyayari sa atin, sa obserbasyon ko lang halos counterpart lang ng tokusatsu sa japan ang mga superheroes sa US parang super sentai at justice league, spiderman at kamen rider, metal hero kay iron man ,hindi ko na alam kay ultraman baka kay hulk. Pareho lang sila pero ginagawang pambata ng mga iba ang toku palibhasa ang mga istasyon nilimit ang palabas kaya walang progreso sa tokuseries sa ibang pinoy lalo na nalimot ng panahon at nakadepende pa rin sa old school tulad ng bioman,maskman, kamen rider black.
Kung Pelikula sa Pinas ang naalala ko lang dito ay powder dangers di sentai, kung japanese siguro ghost fighter at dragon ball lang dito, ito kasi ang common na maririnig mo dito lalo na sa mga pinoy otaku lalo na paulit-ulit na ito sa atin. hanga lang ako sa thailand na mayron silang ipagmamalaki lalo na accepted nila ang mga tokumovies na ipalabas sa thailand nationwide, buti pa sila kahit krisis sa kanila ngayon na marami pa ring tumatangkilik lalo na yung indonesia parehas lang sa thailand.
Nagpapasalamat ako na may iba hindi pa nakakalimot, lalo na sa pagusbong ng internet,pati sa mga grupong sinamahan ko sa mga social network.
Comments